
“Now they’re talking....”mas madalas kasi nakatingin
lang sila...buong maghapong di nagsasalita....nakikinig nga ba sila sa
itinuturo ko o lagpas lagpasan lang ang tingin sa kanilang mga nakikita...kung
minsan nama’y tulog at nakayupyop sa
desk at naghihilik pa…napagod siguro.
Sa tanghali pagbalik ko, sumasalubong at umuukyabit na sila sa aking mga
braso…”Kumain na ba kayo?”…walang imik…konting ngiti…sabay takbo pabalik ng classroom,
magaala-una na…di pa sila kumakain…Ilan lamang ito sa mga pangaraw –araw na eksenang
bahagi na nang buhay ko bilang isang guro.
“A great
teacher does it by heart.” Paano ba? Paano kaya? Saan ba ako dapat magsimula?
Paano ko ituturo sa murang isipan nila na bawal at delikado ang
mamalimos kung ito lamang ang paraang alam nila para makakain?How will I
present the Concept of Day kung ang simula ng kanilang makabuluhang araw ay ang
pagsapit ng dapithapon dahil muli na naman silang magpapalaboy-laboy sa liwanag
ng lansangan at makikipag-patintero sa mga dumadaang sasakyan hanggang abutin ng
dilim? Maiintindihan kaya nila ang kahalagahan ng isang maayos na tahanan kung
wala naman sila nito? Mararamdaman kaya nila ang ligayang dulot ng pagkakaroon
ng isang buong pamilya kung di naman nila naranasan ito? Sadya nga yatang walang silbi ang aking pagiging guro kung
hindi ko ito kayang sagutin.

Teaching
comes from the heart. Seeing your kids unfold before
your very eyes by letting them explore and discover the art of learning puts
you on high. It’s not so much on how long it took them to get there as long as
the experiences along the way was so great, is really quite amazing and remarkable. It gives you a certain feeling of gladness
knowing that they’ve grown and now more than ever, are ready to conquer the bigger world out
there. Nothing really compares to the
simple joys of teaching……
But it’s not every day that you
get to feel that way. There are times
when a teacher’s heart suddenly becomes sad and weary….tired and grumpy…and it leaves
you a feeling of uncertainty, unworthiness and helplessness most especially in moments like these…..as a
teacher, I know, that I can only do so
much for my students…..
“Mam tara na po Mam…."
Saan ko nga ba sila dapat dalahin? Ano nga ba ang landasing pwede kong ituro sa
kanila…Matuto man silang sumulat o bumasa, parang wala pa rin akong maaninag na
kahit konting pag-asa. Ano nga bang
kinabukasan ang naghihintay sa kanila kung sa unang baitang pa lamang ay
nagdarahop na. Di bale na...sasabayan ko
na lang sila….pakikinggan ko na lang ang
hinihiling, ang ibinubulong at ang inaawit ng mumunting puso nila..
“A little love
that slowly grows and grows, not one
that comes and goes
That’s all I ask of you…”
“A
sunny day to look up to the sky, a hand to help me by
That’s
all ask of you…”
“Don’t
let me down…Oh show me that you care
Remember when you give, you also get a share”
“Don’t
let me down...Please show me that you care
Tomorrow
may not come, by then it may be late…….”
To Marc Ian, Myril,
Micaella and Ma. Luisa…I may not be able to give you a perfect picture of the
beauty of the future that awaits you and what life has to offer each day…but
this I can promise you….my heart will always want what’s best for you. God be with you in whereever life may take you…and
in your journey, always remember that teacher will always be here for you.
Joy D. Cater 2014
Pat.CalE.S
CardonaDistrict
No comments:
Post a Comment