Thursday, September 18, 2014

Great Teacher Does It By Heart! Pusong Rizaleno!

“Mam Tara Na Po ……”

 


“Now they’re talking....”mas madalas kasi nakatingin lang sila...buong maghapong di nagsasalita....nakikinig nga ba sila sa itinuturo ko o lagpas lagpasan lang ang tingin sa kanilang mga nakikita...kung minsan nama’y tulog at nakayupyop sa  desk at naghihilik pa…napagod siguro.  Sa tanghali pagbalik ko, sumasalubong at umuukyabit na sila sa aking mga braso…”Kumain na ba kayo?”…walang imik…konting ngiti…sabay takbo pabalik ng classroom, magaala-una na…di pa sila kumakain…Ilan lamang ito sa mga pangaraw –araw na eksenang bahagi na nang buhay ko bilang isang guro.

          “A great teacher does it by heart.” Paano ba? Paano kaya? Saan ba ako dapat magsimula?            Paano ko ituturo sa murang isipan nila na bawal at delikado ang mamalimos kung ito lamang ang paraang alam nila para makakain?How will I present the Concept of Day kung ang simula ng kanilang makabuluhang araw ay ang pagsapit ng dapithapon dahil muli na naman silang magpapalaboy-laboy sa liwanag ng lansangan at makikipag-patintero sa mga dumadaang sasakyan hanggang abutin ng dilim? Maiintindihan kaya nila ang kahalagahan ng isang maayos na tahanan kung wala naman sila nito? Mararamdaman kaya nila ang ligayang dulot ng pagkakaroon ng isang buong pamilya kung di naman nila naranasan ito?  Sadya nga yatang walang silbi ang aking pagiging guro kung hindi ko ito kayang sagutin.
         
        Teaching comes from the heart.  Seeing your kids unfold before your very eyes by letting them explore and discover the art of learning puts you on high. It’s not so much on how long it took them to get there as long as the experiences along the way was so great, is really quite amazing and remarkable.  It gives you a certain feeling of gladness knowing that they’ve grown and now more than ever,  are ready to conquer the bigger world out there.  Nothing really compares to the simple joys of teaching……

But it’s not every day that you get to feel that way.  There are times when a teacher’s heart suddenly becomes sad and weary….tired and grumpy…and it leaves you a feeling of uncertainty, unworthiness and helplessness most  especially in moments like these…..as a teacher, I know,  that I can only do so much for my students…..

“Mam tara na po Mam…." Saan ko nga ba sila dapat dalahin? Ano nga ba ang landasing pwede kong ituro sa kanila…Matuto man silang sumulat o bumasa, parang wala pa rin akong maaninag na kahit konting pag-asa.  Ano nga bang kinabukasan ang naghihintay sa kanila kung sa unang baitang pa lamang ay nagdarahop na.  Di bale na...sasabayan ko na  lang sila….pakikinggan ko na lang ang hinihiling, ang ibinubulong at ang inaawit ng mumunting puso nila..

“A little love that slowly grows and grows,  not one that comes and goes
                              That’s all I ask of you…”
          “A sunny day to look up to the sky, a hand to help me by
                             That’s all ask of you…”
          “Don’t let me down…Oh show  me that  you care
Remember when you give, you also get a share”
          “Don’t let me down...Please show me that you care
                             Tomorrow may not come, by then it may be late…….”

To Marc Ian, Myril, Micaella and Ma. Luisa…I may not be able to give you a perfect picture of the beauty of the future that awaits you and what life has to offer each day…but this I can promise you….my heart will always want what’s best for you.  God be with you in whereever life may take you…and in your journey, always remember that teacher will always be here for you.

                                                                                                 Joy D. Cater 2014
Pat.CalE.S

CardonaDistrict